-- Advertisements --
Nagluluksa ngayon ang singer na si Bruno Mars dahil sa pagpanaw ng kaniyang amang si Peter Hernandez sa edad 74.
Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang malungkot na balita nitong Huwebes, Nobyembre 19.
Kasama rin ang larawan sa post ng Grammy-award singer kung saan kayakap nito ang kaniyang ama.
Dagdag pa nito na noong nakaraqang linggo ay nayakap pa nito ang kaniyang ama.
Inalala ng singer na maayos silang pinalaki kasama ang apat na kapatid na babae at kapatid na lalaki.
Hiniling din nito sa ama na ikumusta siya sa inang si Bernadette San Pedro Bayot.
HIndi na nagbigay pa ng ibang detalye ang singer sa pagpanaw ng ama.














