Tinalo ng Utah Jazz ang Los Angeles Lakers, sa score na 109-97, upang tuldukan ang siyam na sunod na panalo ng Lakers kanilang paghaharap.
Nanguna si Keyonte George para sa Jazz sa naitalang 30 points, si Ace Bailey naman ay nakapagtala ng 19 points, 10 dito ay nagawa niya sa huling quarter.
Para sa Lakers, nagtala si Luka Doncic ng 29 points ngunit nakapagtala rin ng siyam na turnovers at dalawang three-pointers lamang mula sa 12 attempts, dahil sa pagkatalo, natapos din ang kaniyang sunod-sunod na 11 laro na may hindi bababa sa 30 points.
Naging dikit ang laban sa unang tatlong quarter bago umarangkada ang Utah sa fourth quarter sa pamamagitan ng 15 sunod-sunod na points upang makuha ang kalamangan at tuluyang maselyuhan ang panalo.
Sunod na makakaharap naman ng Jazz ang Phoenix Suns sa Biyernes, habang ang makakatunggali naman ng Lakers ay Sacramento Kings.















