Nagpahayag ng pagkadismaya at tinawag ring “inappropriate” ni Presiding officer Chiz Escudero ang lumabas na flame transition sa kalagitaan ng pagdarasal ni Senator Alan Peter Cayetano. Lumabas ang tila nag-aapoy na effect sa ika-44 na araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Dahil dito, pinagsabihan Senate Impeachment Court Presiding Officer Escudero ang Senate Public Relations and Information Bureau (PRIB) na mas maging maingat matapos ang naging insidenteng mai-flash ang isang nag-aapoy na transition effects. Sinabi rin nito na ang effects ay ‘well not taken’.
“The flames are well-taken and are inappropriate to these proceedings so kindly be mindful,” ani ni Escudero.
Hindi naman nakaligtas sa mga mata ng netizens pa-apoy effect na ito. Kaya naman agad din itong naging kontrobersyal lalo pa at kasabay ito sa panalangin ni Ceyatano.
Dahil dito agad namang ipinag-utos ni Escudero sa Senate Public Relations and Information Bureau (PRIB) na tanggalin at i-edit ang naturang effects mula sa rekord ng Impeachment Court dahil hindi ito angkop lalo na sa mga ganitong seryosong pagdinig.
“The clerk is ordered to kindly remove and edit it from the records of the impeachment court as it is deemed inappropriate,” dagdag pa ni Escudero.
Nangyari ang fiery effects sa livestream ng Impeachment trial ng bise presidente bandang 10:03 ng umaga.














