-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Filipino fashion designer na si Francis Libiran ang kaniyang likhang custom Barong Tagalog na isinuot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pakikipagpulong kay US President Donald Trump sa 2026 ASEAN Summit.
Ayon kay Libiran, inspirasyon ng disenyo ang anahaw (Saribus rotundifolius), ang hindi opisyal na pambansang dahon ng Pilipinas na sumasagisag sa katatagan, lakas, at pagkakakilanlang Pilipino.
Binigyang-diin ni Libiran na ang kaniyang likha ay pagpupugay sa husay, talento, at mayamang tradisyon ng mga Pilipinong manggagawa at manlilikha.














