Umabot na sa 15,000 katao ang naaresto ng French police kaugnay ng malawakang protesta sa France nitong mga nagdaang linggo, ayon sa pamahalaan ng bansa nitong Martes.
Kaugnay ito ng panawagang reporma ng mga French hinggil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at dismaya sa kundisyon ng sektor ng edukasyon sa kanilang bansa.
Batay kay Justice Minister Gerald Darmanin, 7,184 katao na ang naaresto ng kapulisan mula sa mga protesta ukol sa inflation at pasahod simula Oktubre 17.
Naaresto rin ang iba pang tinatayang 8,000 katao na mula naman sa mga protesta ukol sa repormang pang-edukasyon.
Naitala naman mula sa mga numero ang 2,661 menor de edad na naaaresto kung saan patuloy na nananatili sa ilalim ng kustodiya ng pulis ang lima sa mga ito.












