-- Advertisements --

Nagsagawa ng pulong si US President Donald Trump sa Quad alliance nito pagdating sa Pilipinas para sa pagdalo ng 49th ASEAN Summit.

Binuo ng apat na bansa ang Quad kung saan pinangunahan ni Trump kasama sina Japanese Prime Minister Sanae Takaichi, Australian Prime Minister Anthony Albanese at Indian Prime Minister Narendra Modi.

Huling nagpulong kasi ang Quad ay noong 2024 sa Delaware sa pamumuno noon ni dating US President Joe Biden.

Nabuo ito noong 2004 matapos ang naganap na Indian Ocean tsunami at muling inilunsad noong 2017.

Nakatuon ang grupo sa Indo-Pacific kung saan layon nito ay mabawasan ang impluwensiya ng bansa sa kanila.

Pinuri ni Trump angmga bansa dahil sila ang naging mukha ng mahalagang pagsasanib sa buong mundo.

Pagtitiiyak din ni Trump na laging bukas ang kaniyang telepono para sa lahat ng bansa.