Umaasa ang Pilipinas na sa pagdalaw sa bansa ni US President Donald Trump ay pumayag na itong pababain ang taripa na ipinataw nito sa mga produkto ng bansa.
Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Cristina Roque, na mapapayag sana ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tuluyang bawasan ang mga ipinapataw na buwis ng US sa mga produkto ng bansa.
Noong Hulyo kasi ay ipinatawan ni Trump ang mga produkto ng Pilipinas na dumarating sa US ng aabot sa 12.5 percent.
Nasa Pilipinas kasi si Trump para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Hindi naman na binanggit ni Roque kung magkano ang plano ng gobyerno na dapat ipataw na mga taripa.
Kasama kasi na tatalakayin nina Trump at Marcos ang joint administrative order na pinirmahan noong Hulyo.














