Ligtas nang nakauwi sa bansa mula Riyadh, Saudi Arabia ang karagdagang 30 Overseas Filipino Workers (OFWs) bilang bahagi ng repatriation program ng pamahalaan.
Kaugnay ito ng serye ng panibagong palitan ng dahas sa pagitan ng estado ng Saudi Arabia at Houthi rebels simula nang maitala ang pag-atake sa King Khalid International Airport sa Riyadh na ikinamatay ng 13 katao.
Nakarating nito lamang umaga ng Martes, Nobyembre 17 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang mga nasabing OFWs lulan Qatar Airways flight QR934 sa ilalim ng paggabay ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Naibahagi naman ang tulong-medikal at pinansiyal kaugnay ng layunin ng programa, maging sa pagbibigay rin sa mga OFW ng transportation service upang makauwi sa kani-kanilang mga probinsya.
Samantala, umabot na sa 1,267 repatriated Filipinos ang nakauwi sa bansa simula nang magsara ang international airport sa Riyadh nitong Oktubre nang maitala ang tensyon sa pagitan ng Saudi Arabia at Houthis.
Nagpaalala naman si OWWA Welfare Officer Rolando Pocholo Talento laban sa mga mapansamantalang indibidwal hinggil sa proseso ng repatriation at upang maayos na makabalik sa kani-kanilang mga pamilya sa bansa.















