-- Advertisements --

Arestado ang 31 indibidwal sa operasyon ng mga awtoridad laban sa umano’y multi-million-dollar online scam syndicate sa Panglao at Dauis, Bohol noong Nobyembre 10 at 11, 2026.

Gumagamit umano ang grupo ng mga pekeng online identity at romantikong pakikipag-ugnayan upang makuha ang tiwala ng mga biktima at hikayatin silang mamuhunan.

Nasamsam sa operasyon ang daan-daang kagamitan tulad ng computer, cellphone, SIM card, at mga dokumentong nagpapakita ng transaksyong nagkakahalaga ng mahigit 10 milyong US dollars, na kailangan pang beripikahin ng mga awtoridad.

Nadiskubre rin ang posibleng ugnayan ng operasyon sa mga scam hub sa Cambodia.

Samantala, sinabi ni PAOCC Executive Director Undersecretary Benjamin Acorda Jr. na patuloy nilang tutugisin ang mga nasa likod ng naturang sindikato, kabilang ang mga financier at organizer.

Dinala na sa inquest proceedings ang 31 na naaresto habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang sangkot at mga posibleng nabiktima.