Agad na sisimulan sa pagpasok ng 2027 ang Philippine Sports Commission (PSC) ang gagawing pagsasaayos ng Rizal Memorial Stadium.
Kasunod ito sa pagsasapormal ng memorandum of agreement ng PSC, Philippine Football Federation (PFF) at FIFA.
Mismong si FIFA President Gianni Infantino ang lumagda sa MOA kasama si Executive Secretary Ralph Recto, PSC chairman Patrick Gregorio at PFF president John Gutierrez.
Nakasaad sa MOA na magbibigay ang FIFA ng $25 milyon o katumbas ng mahigit P1.6-B para sa pagpapalakas ng larong sports sa bansa.
Sa nasabing halaga ang $13-M o katumbas ng mahigit P831-M ay mapupunta sa malawakang pagsasaayos ng Rizal Memorial Football Stadium ng walang anumang gagastusin ang gobyerno.
Sinabi ni Infantino na ang magiging tunay na kayamanan ang Rizal Memorial Stadium kung saan dito maglalaro ang iba’t-ibang manlalaro mula sa ibang mga bansa.
Mas lalong maipagmamalaki ito ng bawat Filipino at ang mismong bansang Pilipinas.














