-- Advertisements --

Ibinunyag ng FBI na gumagamit ang North Korea ng mga pekeng video calls para makakulimbat ng $400 milyon sa cryptocurrency.

Ayon kay FBI cyber director Brett Leatherman, na pinepeke umano ng North Korean hackers ang pagkakakilanlan ng isang tao para isagawa ang krimen.

Base sa kanilang pagtaya ay mayroong 900 na biktima sa nasabing scheme sa loob ng 18 buwan.

Ang nasabing pahayag ay matapos na ibunyag ng pinakamalaki sa buong mundo na crypto exchange na Binance na gumamit ang mga hackers ng pekeng job interview para makapagnakaw ng nasa $6.3 bilyon mula sa kumpanya.

Mariing itinanggi naman ng North Korea ang nasabing pahayag.

Dahil dito ay nagsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon ang FBI.