-- Advertisements --

Bagama’t walang binabantayang Low Pressure Area (LPA), inaasahan pa ring makakaranas ng maulang panahon ang ilan pang karagdagdang lugar sa bansa dulot ng easterlies at amihan ngayong Biyernes, ayon sa state weather bureau DOST-PAGASA.

Kabilang dito ang ilang lugar sa Eastern Visayas, Caraga, Davao Region, Soccksargen, Albay, Sorsogon, Catanduanes, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi na makakaranas ng ilang pag-ulan at thunderstorms na dala ng easterlies.

Samantala, katamtamang pag-ulan namang dala ng amihan ang mararanasan sa hilagang bahagi ng Luzon tulad ng Cagayan, Isabela, Apayao, at Kalinga, gayundin ang ilang isolated rains sa Ilocos Region at sa nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.

Mararanasan din sa nalalabing bahagi ng bansa ang ilang isolated rain showers o thunderstorms na dulot ng easterlies gayundi ang inaasahan na katamtamang hangin at banayad na alon sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas.