-- Advertisements --

Nagkaloob ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tig P10,000 cash assistance sa 54 na vendor at indibidwal sa Pasay City na pansamantalang mawawalan ng kita dahil sa pagsasara ng kanilang mga puwesto bilang paghahanda sa 2026 ASEAN Summit.

Isinagawa ang pamamahagi nitong Miyerkules, Nobyembre 11, sa Andres Bonifacio Elementary School. Bukod sa pinansyal na tulong, namahagi rin ang ahensya ng Family Food Packs (FFPs) upang makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga apektadong pamilya.

Ayon sa DSWD, magpapatuloy ang pamamahagi ng cash assistance sa Nobyembre 12 at 13 para sa iba pang vendor at indibidwal na maaapektuhan ng pansamantalang pagsasara ng kanilang mga negosyo at puwesto.