-- Advertisements --

Nakatanggap ng tig-P2,325 na tulong-pinansyal ang 1,706 na magsasaka sa Bokod, Benguet sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program ng Department of Agriculture-Cordillera (DA-CAR).

Ayon sa ahensya, ang cash assistance ay layong makatulong sa mga lokal na magsasaka sa nasabing bayan upang maibsan ang kanilang mga gastusin sa pagsasaka at pang-araw-araw na pangangailangan.

Ipinamahagi ang tulong sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa Benguet sa isang simpleng seremonya na pinangunahan ng mga opisyal ng DA at lokal na pamahalaan.

Bahagi ang pamamahaging ito sa bayan ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na direktang maiabot ang suporta sa mga maliliit na magsasaka sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Hinimok naman ng DA ang mga magsasaka sa Benguet na patuloy na magtulungan at gamitin ang natanggap na tulong para sa pagpapabuti ng kanilang kabuhayan at ani.