Pumanaw na nitong Lunes ang suspek sa pamamaril sa Krakow, Poland na ikinasawi ng anim noong Nobyembre 7.
Kinikilala ang naturang 24 años na suspek bilang Michał Oksiński na nagtamo ng malubhang tama sa katawan nang paputukan ito ng pulis sa kasagsagan ng krimen nito sa lungsod.
Habang bineberipika pa ng awtoridad kung maituturing terrorist attack ang naganap na mass shooting, nagdeklara naman ang bansa ng dalawang araw na national mourning bilang pagkilala sa mga nasawi sa krimen.
Matatandaang ginawa ng suspek ang nasabing pamamaril sa pangunahing market square ng Krakow, lugar na popular sa mga turista at lokal, kung saan nagpaulan ito ng bala mula sa kaniyang sa sasakyan na ikinamatay ng apat na babae, dalawang lalaki, at ikinasugat naman ng 16, kabilang ang dalawang opisyal.
Nitong nakaraang imbestigasyon din ng lokal na kapulisan, nadiskubre sa tahanan ng suspek ang tatlong bangkay na kinikilala bilang pamilya ni Oksiński.














