-- Advertisements --

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 36-anyos na Chinese national na umano’y gumamit ng pekeng Filipino identity upang makakuha ng Philippine passport.

Kinilala ang suspek na si Yao Shucheng, alyas Lee King Agbulos, na naaresto noong Nobyembre 8, 2026, pagdating sa NAIA Terminal 1 mula Hanoi, Vietnam.

Ayon sa BI, gumamit umano si Yao ng mapanlinlang na birth certificate upang makakuha ng Philippine passport. Iniugnay rin siya sa isang pamamaril noong 2022 sa Parañaque City na ikinasawi ng dalawang Chinese national, na patuloy pang iniimbestigahan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng BI ang suspek habang isinasagawa ang kaukulang proseso para sa kanyang deportasyon at permanenteng pag-blacklist.