-- Advertisements --

Naghain ng Senate Resolution No. 765 ang mga senador na nananawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ideklara ang State of Calamity o State of Imminent Disaster sa mga lugar na apektado o nanganganib na maapektuhan ng El Niño.

Layunin ng resolusyon na mapabilis ang pagpapakilos ng pondo mula sa 2026 General Appropriations Act para sa paghahanda at pagtugon ng pamahalaan sa posibleng epekto ng El Niño.

Kabilang sa mga isinusulong na hakbang ang pagpapatupad ng price control, pagpigil sa hoarding at profiteering, rehabilitasyon ng mga pampublikong pasilidad at pagbibigay ng tulong-pinansyal sa mga sektor na maaapektuhan.

Binigyang-diin din sa resolusyon ang tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan ang mamamayan, partikular ang mga magsasaka at komunidad na posibleng makaranas ng matinding epekto ng tagtuyot.