Dineport na ng Bureau of Immigration (BI) ang unang batch ng 115 Chinese nationals na naaresto sa malawakang operasyon laban sa ilegal na POGO activities sa Zamboanga Sibugay at Quezon City noong Oktubre 2026.
Sa kabuuang bilang, 62 ang nasakote sa Zamboanga Sibugay, habang 53 naman ang naaresto sa Quezon City. Binubuo ang grupo ng 107 lalaki at walong babae.
Isinagawa ang deportation matapos maglabas ng Summary Deportation Orders ang BI Board of Commissioners. Isinakay ang mga deportee sa isang chartered aircraft na inilaan ng Chinese Embassy.
Kabilang sa mga na deport ang isang puganteng naaresto sa Zamboanga Sibugay na pinaghahanap umano ng mga awtoridad ng China dahil sa kasong may kaugnayan sa pagtatago ng mga kinita mula sa ilegal na aktibidad.














