-- Advertisements --

Mahigit 20 ang sugatan matapos tamaan ng malakas na pagyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang Shizuoka Prefecture sa central Japan nitong madaling araw ng Linggo, Nobyembre 8.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, naramdaman ang upper 5 intensity sa scale of zero to seven sa Chita City, Aichi Prefecture sa hangganan ng Shizuoka. Walang banta ng tsunami na naiulat.

Dagdag pa nito, ngayon lang muli naitala ang lakas ng pagyanig nito sa Aichi mula noong huli itong naramdaman 30 taon nang nakalipas.

Naramdaman naman ang lower 5 intensity sa Aichi, Shizuoka, Gifu, at Nagano.

Pag-eestima ng ahensiya, maaaring may lalim ng 41 kilometro sa kanlurang bahagi ng Shizuoka ang epicenter ng nasabing lindol.

Batay naman sa ulat ng awtoridad sa Higashiura sa Aichi, naantala naman ang supply ng tubig sa ilang bahagi ng bayan nito.

Naiulat din ang pagtama ng ilang mas mahihinang aftershocks.