-- Advertisements --
Nakasalamuha ng Chinese aktor na si Jet Li at anak nitong si Jada ang hari at reyna ng Bhutan.
Dumalo ang 63-anyos na aktor sa kaganapan kasabay ng pagtataguyod ng 108 Buddhist stupas sa Himalayan kingdom.
Pinangunahan ni King Jigme Khesar Namgyel Wangchuck ng Bhutan ang seremonyas na dinaluhan ng nasa 40,000 na mga volunteers mula sa iba’t-ibang bansa.
Bukod sa pagdalo ay nagboluntaryo din si Li sa konstruksyon site kung saan tinulungan niya ang ilang manggagawa.
Nagdasal din ang aktor sa harap ng Buddha statue habang ang 23-anyos na anak nito ay nakasuot ng Bhutanese attire.
Magugunitang tumigil na sa paggawa ng pelikula ang aktor at itinuon ang panahon sa mga spiritual na aktibidad ganun ang pamilya.














