-- Advertisements --
Tinawag na manhid ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ang China.
Kasunod ito sa pahayag ng Pilipinas na hindi pag-aari ng China ang Batanes Island.
Sinabi pa ni Teodoro na hindi nakikinig ang China kahit na anuman ang panawagan dito dahil sila ay manhid na.
Dahil dito ay nanawagan na lamang si Teodoro sa mga Filipino na huwag makinig sa mga maling naratibo na ipinaparating ng China.
Nanawagan din ang opisyal sa mamamayan na dapat ay tuloy-tuloy ang pagsuporta sa mga sundalo na nagtatanggol sa interest ng bansa.














