-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng PH government ang pagsusulong sa ligtas na digital environment para sa mga kabataan sa buong bansa.

Ito ay sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence at iba pang makabagong teknolohiya na kadalasang nakaka-apekto sa buhay ng mga kabataan.

Ginawa ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang pahayag kasunod ng pagtatapos ng ika-36 na Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Socio-Cultural Community (ASCC) Council Meeting sa Maynila.

Giit ng kalihim, mahalagang makibahagi mismo ang mga kabataan sa pagtukoy ng mga hakbang para sa kanilang online protection, sa tulong at gabay ng pamahalaan.

Para sa mga nakakatandang populasyon, sinabi ng kalihim na hindi lamang social pension ang dapat pagtuunan ng pansin para sa mga senior citizen.

Paliwanag ng PH official, itinutulak ng Pilipinas ang konsepto ng Silver Economy upang magkaroon ng mga produkto at serbisyong magbibigay sa mga nakatatanda ng pagkakataong manatiling aktibo at produktibo.

Isinasaalang-alang dito aniya ang kanilang edad at kalusugan.