Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na isang Filipino seafarer ang nasawi at isa naman ang sugatan sa sinakyan nilang barko sa Persian Gulf.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, bahagi ang mga sugatang Pinoy crew sa Marshall Islands-flagged tanker na MT Velos Sapphire.
Base sa paunang imbestigasyon , na tumama ang hindi malamang projectile na nagdulot ng pagkakasunog sa barko nitong Huwebes pasado ala-1 ng madaling araw.
Mayroong 22 na mga Filipino ang lulan ng barko ng mangyari ang insidente.
Patungo sana sa Bahrain ang barko ng mangyari ang pag-atake.
Patuloy ang ginagawang pagtulong ng DMW sa mga sugatang biktima.
Naniniwala naman ang manager ng barko na maaring isang uri ng missile ang tumama sa barko.
Nakikipag-ugnayan na ang DMW sa manning agency ng barko para sa ligtas na pagpapauwi ng mga nakaligtas na Pinoy.














