-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng Hong Kong Open ang Filipina tennis sensation na si Alex Eala matapos talunin ang Croatian player na si Antonia Ruzic sa straight sets, 7-6, 7-5.

Naging dikdikan ang laban ng dalawa, ngunit nagawang manaig ni Eala upang maselyuhan ang panalo at makausad sa semifinals.

Susunod na makakaharap ni Pinay tennis star ang Greek player na si Maria Sakkari, na kasalukuyang World No. 30 at dating World No. 3 noong Marso 2022.

Apat na manlalaro na lamang ang natitira sa torneyo kabilang sina Eala, Sakkari, Claire Liu, at Alexandra Shubladze.