-- Advertisements --

Inihayag ng Office of the Vice President (OVP) na bibiyahe si Bise Presidente Sara Duterte patungong Hong Kong mula Nobyembre 6 hanggang 8, 2026 upang dumalo sa iba’t ibang aktibidad at kaganapan.

Kabilang sa mga pangunahing dadaluhan ng Bise Presidente ang isang pagtitipon na inorganisa ng Filipino Community (FilCom) sa nasabing bansa.

Kinumpirma ng OVP na may hawak na permit si Duterte mula sa Quezon City Regional Trial Court Branch 98 na inilabas noong Nobyembre 3, 2026 para sa kanyang pag-alis.

Bukod sa pahintulot ng korte, pormal ding naglabas ng kaukulang travel authority ang Office of the President para sa kanyang biyahe sa abroad.

Nilinaw ng tanggapan na sariling pera at personal na pondo ng Bise Presidente ang gagamitin upang sagutin ang lahat ng gastusin sa paglalakbay.

Muling iginiit ng OVP na walang anumang pondo, ari-arian, o pasilidad ng pamahalaan ang magagamit kaugnay ng kanyang biyahe sa Hong Kong.

Inaasahang magpapatuloy ang mga nakatakdang gawain ni Duterte pagkatapos ng tatlong araw na pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa mga kababayang Pilipino sa ibang bansa.