-- Advertisements --
Binawi ni California Gov. Gavin Newsom ang hatol na parusang kamatayan na ipinataw sa 548 katao.
Mula sa hatol na parusang kamatayan ay magiging life imprisonment o habambuhay na pagkakakulong ng walang anumang parole.
Ang nasabing hakbang ay matapos ang halos walong taon ng ideklara ang moratorium sa execution.
Sinabi ni Newsom na ang kaniyang desisyon ay matapos ang halos tatlong dekada ng pagkontra niya sa state-sanctioned executions.
Mula kasi noong 1978 ng ipinatupad ang parusang kamatayan ay mayroong 13 inmates na ang binitay sa Calfornia.















