-- Advertisements --

Ibinunyag ni National Bureau of Investigation (NBI) director Melvin Matibag na mayroong ibang kinontra ang pet crematorium na inireklamo sa Bacoo, Cavite.

Ayon sa NBI Chief, na kinontak ng pet crematorium sa Cavite ang ilang indibidwal mula sa San Jose del Monte , Bulacan na gawin ang cremation.

Subalit hindi nagawa ng kanilang nakontak sa Bulakan at sa halip ay itinapon na lamang sa gilid.

Dagdag pa ni Matibag na mag-asawa ang kinontak ng crematorium na hindi ginawa ang trabaho.

Natukoy na ng NBI ang ugnayan ng mag-asawa sa Ahjay Paws Aftercare Pet Crematorium.

Sumuko na rin sa mga otoridad ang mag-asawa na kinontak ng nasabing pet crematorium.

Ipinasa na ng NBI ang reklamo sa Department of Justice (DOJ).

Magugunitang inireklamo ng mga may-ari ng hayop ang nasabing pet crematorium dahil sa hindi ginawa ang napagkasunduan nila at sa halip ay itinapon ang mga ito sa bakanteng lupain sa Bulacan.