-- Advertisements --

Ibinahagi ni Filipino-American singer at Americas Got Talent winner na si Jessica Sanchez ang ilang larawan mula sa kanyang bakasyon sa Boracay kasama ang kanyang anak.

Sa kanyang social media post, nag bahagi siya ng larawan kalakip ang caption na “Boracay, you have my heart.”

Kasama ng mang-aawit ang kanyang anak na kamakailan lamang ay nagdiwang ng unang kaarawan noong nakaraang buwan.

Kasalukuyang nasa Pilipinas si Sanchez para sa serye ng kanyang mga pagtatanghal, kabilang ang nakatakdang performance sa isang holiday-themed event sa Parañaque sa Nobyembre 13, 2026.