-- Advertisements --

Iginiit ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na dapat bigyan ng due process si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at pahintulutan itong humarap sa paglilitis sa International Criminal Court (ICC) sa halip na malagay sa panganib ang buhay nito dahil sa posibleng karahasan.

Sa kaniyang pahayag nitong Martes, Nobyembre 3, sinabi ni Lacson na para sa kaniya, nangangahulugan ang due process ng pagbibigay kay Dela Rosa ng pagkakataong harapin ang paglilitis sa ICC nang hindi isinasapanganib ang posibleng karahasan o mas malalang trahedya.

“To me, due process means allowing Senator dela Rosa to face trial before the ICC rather than risk violence and worse, tragedy,” ayon kay Lacson.

Binigyang-diin ng senador na ang pagharap sa paglilitis ay bahagi ng due process, sa halip na mauwi sa karahasan ang proseso.

Matatandaang nahaharap si Dela Rosa sa usapin sa ICC kaugnay ng kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte.