Pormal nang naghain ang halos 250 pet owners sa Bacoor City Police kaugnay sa improper disposal ng mga patay na alagang aso at pusa ng isang pet crematorium sa Cavite.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Alexie Desamito, Bacoor City police chief, marami pang complainants ang kanilang aasahan dahil patuloy pang nadagdagdagan ang mga pet owner ang sumasangguni sa kanilang tanggapan.
Ito ay matapos madiskubre na isa ang kanilang alaga na natagpuan sa bakanteng lote sa lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan.
Sa ngayon siyam na labi na ng mga alagang hayop ang nakilala ng kani-kanilang pet owners.
Sa unang batch ng imbestigasyon pormal nang ibinigay ng mga complainant ang 20 na bilang ng mga abo ng kanilang alaga at kasalukuyang isinasailalim sa forensic examination ng PNP Forensic Group.
Samantala ayon naman kay Bacoor Mayor Strike Revilla, naipasara na ang pet crematorium sa Cavite matapos mapadalhan ng kautusan ng Business Permits and Licensing Department.












