-- Advertisements --

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) National Capital Region Chief PCol John Guiaguin na kanilang tutugisin ang lider ng mga 159 na dayuhan na kanilang naaresto mula sa bagong parcel scam hub sa lungsod ng Pasay.

Sinabi nito na ginawa lamang ang gusali para maging scam hub center kung saan ang mga biktima nila ay nasa ibang bansa.

Paglilinaw din ng police official na walang Pilipino ang nabiktima ng nasabing grupo.

Naniniwala din ito na mayroong ibang mga kasamahan pa ang nasabing grupo na kanilang patuloy na iniimbestigahan.

Magugunitang mayroong dalawang dayuhan ang humingi ng tulong sa kapulisan matapos na makatakas mula sa gusali kung saan hinikayat umano ang mga ito na magtrabaho bilang virtual assistant subalit ang totoo ay pang tinatawag na ‘parcel scam’.

Modus ng grupo ay tatakutin ang mga biktima na ang kanilang natanggap ng parcel ay mayroong laman na kontrabando kung saan para hindi masira ang pangalan ng mga ito ay kailangan nilang magbayad sa mga suspek ng ilang halaga ng pera mula sa biktima.

Nagpapanggap din ang mga suspek bilang mga pulis mula sa Indonesia at Malaysia na siyang panakot sa kanilang mga biktima.