-- Advertisements --
Pinabilis ng NFA ang pag-iimbak ng palay sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga 50-kilo na sako tungo sa one-ton bags sa ilalim ng pilot test nitong Oktubre 2025.
Sinimulan ang pagsubok sa mga sangay ng Nueva Ecija, Occidental Mindoro, at Davao del Sur upang masubukan ang bagong sistema.
Iniulat ni NFA Administrator Larry R. Lacson na bumaba ng 75% ang oras ng trabaho at nahati sa kalahati ang gastusin gamit ang mga tonner bag at forklift.
Ipinunto ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr.na ang matitipid dito ay magpapalaki sa pondo para makabili ng mas maraming palay mula sa mga lokal na magsasaka.
Nilinaw naman ng ahensya na kailangan pang ayusin ang mga alituntunin sa pest control at fumigation bago ito pangkalahatang ipatupad.














