-- Advertisements --

Nagkampeon sa Pan Pacific Open title si Diana Shnaider ng Russia.

Tinalo nito si Candian tennis star Leylah Fernandez sa score na 6-4, 5-7 at 6-2.

Naging mabilis na naipanalo ni Shnaider ang unang set subalit pagpasok ng ikalawang set ay doon bumawi ang Canandian tennis player.

Kinailangan ng tatlong set para tuluyang makamit nito ang panalo sa laro na umabot sa dalawang oras at 18 minuto.

Mayroon na ang 22-anyos na tennis player ng anim na sunod na panalo sa WTA tour.

Pinasalamatan ng Russian tennis player ang kaniyang coach at mga fans na sumuporta sa kaniyang mga laban.

Habang si Fernandez ay naglaro sa ikalawang straight final matapos na mabigo ito kay world number one Elena Rybakina sa Ningbo Open noong nakaraang linggo.