-- Advertisements --

Nagpaalala sa mamamayan si National Capital Region Police Office (NCRPO) Officer-in-Charge Brig. Gen. Christopher Abrahano para sa kaligtasan ngayong Undas 2026. 

Dahil sa ilang kaso ng mga ‘bomb threat’ sa Maynila, muli niyang pinaalalahanan ang publiko na ang ganitong gawain ay isang krimen.

Pati aniya ang pagpapadala ng ‘bomb joke’ ay krimen din kaya’t posibleng may kaharapin na pananagutan sa batas. 

Ngunit nakahanda naman daw ang mga kapulisan upang ito’y imbestigahan at tiyakin na maaaresto ang sinuman sangkot sa gawain. 

Ang Pasay City Police Station ay may ‘safety tips’ sa publiko para maging ligtas ngayong Undas. 

Tiyakin anila na i-secure muna ang bahay bago umalis at magtungo sa planong detinasyon o pupuntahan. 

Manatiling nakaalerto lalo na sa mga dalang gamit, mapa-umaga at gabi man. 

At agad na i-report sa kinauukulan kung mayroon kahinahinalang napansin.