Umakyat sa panibagong record high na P19.66 trilyon ang kabuuang utang ng pamahalaan ng Pilipinas noong huling bahagi ng Setyembre 2026, ayon sa datos mula sa Bureau of the Treasury (BTr).
Batay sa ulat ng kawanihan, tumaas ng 0.27 porsyento o P53.47 bilyon ang utang ng bansa kumpara sa P19.61 trilyon na naitala noong buwan ng Agosto.
Binubuo ng domestic debt ang 67.39 porsyento ng kabuuang utang na nagkakahalaga ng P13.25 trilyon, habang ang external debt naman ay nagkakahalaga ng P6.41 trilyon o 32.61 porsyento.
Ang bahagyang pagtaas ng domestic debt ay idinulot pangunahin ng net issuance ng government securities at ng paghina ng halaga ng piso laban sa US dollar na nakaapekto sa Onshore Dollar Bonds.
Samantala, tumaas din ng 0.70 porsyento ang external debt dahil sa paghina ng lokal na salapi at karagdagang net availment ng mga pautang mula sa labas ng bansa.
Bumaba naman sa P306.63 bilyon ang national government guaranteed obligations noong Setyembre dahil sa mga ginawang net repayments sa mga external guarantees.
















