-- Advertisements --

Wagi ang Golden State Warriors kontra Los Angeles Lakers, sa score na 112-95, matapos bumawi mula sa 23 points na kalamangan ng Lakers sa Warriors.

Pinangunahan ni Stephen Curry ang Warriors matapos magtala ng 31 points, 6 na assists at 4 na rebounds. Nagdagdag naman si Brandin Podziemski ng 21 pointss upang tulungan ang koponan na makuha ang panalo.

Maagang umarangkada ang Lakers sa pangunguna ni Luka Doncic, na nagtala ng 37 puntos, 7 rebounds at 5 assists. Nagtapos ang unang quarter sa 38-15 pabor sa Los Angeles.

Gayunman, nagawang makabawi ng Golden State matapos magtala ng kaparehong 38-15 sa second quarter upang maitabla ang laban bago tuluyang agawin ang momentum sa ikalawang bahagi ng laro.

Sa third quarter, nakuha ng Golden State ang momentum matapos magtala ng 32 puntos kumpara sa 27 ng Lakers, dahilan upang makalamang ng limang puntos. Lalo pa nilang pinalaki ang kalamangan sa fourth quarter sa pamamagitan ng 27-15 na iskor, na nagtakda sa huling resulta na 112-95.

Sa susunod na laro, haharapin ng Lakers ang Toronto Raptors, habang makakaharap naman ng Warriors ang LA Clippers sa Linggo.