Opisyal nang humingi ng tawad ang Hong Kong leader na si John Lee, kaugnay sa mapaminsalang sunog na nangyari sa Tai Po building, isang taon nang nakakaraan.
Sa conference, naglabas din ang lider ng mga ulat kaugnay sa apat na government departments na dapat maging responsable sa nangyaring sunog dahil safety complaints.
Ayon sa repormang inilabas ni Lee, nakapaillaim dito ang pagpapaigting sa kaligtasan at kaayusan sa usapin ng building industry. Pagtutuunan din ang sistematikong regularidad ng mga gusali.
Matatandaang kumitil ng halos 168 na buhay ang sunog sa pitong 31-storey tower blocks sa Wang Fuk Court residential complex, kung saan nadamay rin ang under renovation na building sa Tai Po district dahil sa pagkalat ng sunog sa dust netting at scaffolding nito.
Ayon din sa Hong Kong lider, na ikinalulungkot niya ang nangyaring sunog isang taon nang nakakaraan at nais niyang humingi ng tawad sa lahat ng naapektuhang residente maging sa publiko.
Inanunsyo rin ni Lee ang pagbitiw sa pwesto ni Hong Kong Housing Secretary na si Winni Ho.
Nagtalaga na rin ang pamahalaan ng Hong Kong ng independent team upang imbestigahan kung sinu-sinong opisyal ang dapat managot at tukuyin ang mga kaukulang hakbang pandisiplina laban sa kanila.
Ayon sa kasaysayan ng Hong Kong na ito na ang pinakamapaminsalang insidente sa lungsod mula pa noong 1948. Libo-libong residente ang nawalan ng tirahan matapos hindi na matirhan ang kanilang mga apartment matapos ang sunog.









