-- Advertisements --
Naglabas ng situation report ang Philippine Coast Guard kaugnay sa sitwasyon sa mga pantalan ngayong araw ng Biyernes, October 30, mula 12:00 AM hanggang 6:00 AM.
Umabot sa 13,930 ang inbound habang 13,557 outbound passengers sa mga pantalan.
Kasama rin sa naging inspeksyon ng Coast guard personnel ang 184 vessels at 83 na motorbanca.
Samantala, nananatili pa ring nasa heightened alert ang Philippine Coast Guard hanggang Nobyembre 3, ito ay bilang bahagi ng paghahanda sa pagdagsa ng mga biyahero sa Undas 2026.















