Umakyat na sa mahigit isang bilyong piso ang kabuuang halagang naipamahagi sa ilalim ng fuel subsidy program para sa mga pampublikong sasakyan.
Kasunod ito ng mga epekto ng patuloy na tensyon sa Middle East sa pandaigdigang merkado ng langis.
Aabot sa halos 109,000 na mga pampublikong sasakyan ang nakinabang at matagumpay na naka-avail ng naturang tulong pinansyal upang maibsan ang pasanin sa mataas na presyo ng produktong petrolyo.
Naging matagumpay ang pamamahagi dahil sa pakikipagtulungan ng halos 4,000 gasolinahan sa buong bansa na nagsilbing daan para sa mabilis at maayos na pag-claim ng subsidiya.
Tiniyak naman ng pamahalaan na magpapatuloy ang programa sa mga susunod na buwan upang patuloy na masuportahan ang sektor ng transportasyon sa gitna ng mga pagbabago sa presyo ng langis.













