-- Advertisements --

Namahagi na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng kabuuang ₱677.8 milyon na tulong pinansyal sa mahigit 66,000 maliliit na magsasaka at manggagawa sa tubo na naapektuhan ng pag-atake ng red-striped soft scale insect sa Negros Island Region, ayon kay DSWD-NIR Regional Director Arwin Razo nitong Lunes, Oktubre 26.

Batay sa datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) hanggang Oktubre 24, umabot sa 66,005 benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong sa ilalim ng Uplift Disaster Assistance Program. Kabilang dito ang 56,301 magsasaka ng tubo at 9,704 manggagawa sa industriya ng tubo.

Pinakamalaking bahagi ng tulong ang napunta sa Negros Occidental, kung saan 47,497 benepisyaryo ang nakatanggap ng kabuuang ₱490,406,525 na ayuda.