Tinanghal bilang men’s and women’s soccer players sa buong mundo ngayong taon sina Harry Kane at Alèxia Putellas.
Isinagawa ang pagkilala sa ginanap na Ballon d’Or ceremony sa London.
Bahagyang naantala ang nasabing ceremony dahil sa pagbuhos ng malakas na pag-ulan.
Tinalo ni Kane sa men’s Ballon d’Or winner sina Kylian Mbappe at Lamine Yamal.
Nagkaroon ng magandang season mula pa noong nakaraang taon ang English striker na mayroong naitalang 73 goals sa loob ng 65 competitive matches para sa club at bansa.
Naipanalo nito ang liga at cup double sa club Bayern Munich.
Naging emosyonal ang 33-anyos na si Kane sa kaniyang talumpati.
Pinasalamatan nito ang mga fans na bumuto sa kaniya para makuha ang nasabing awards.
Si Kane ay siyang unang Englishman na nagwagi ng nasabing award mula ng maipanalo ni Michael Owen noong 2001.
Habang si Putellas ay pangatlong beses na nitong nakuha ang nasabing award.
Inasahan na kasi na talunin ng 32-anyos ang mga katunggali nito sa season sa Barcelona Femení.
Siya ang naging captain sa quadruple ng trophies, ang league title, dalawang domestic cups at Women’s Champion League.
Pumirma ito sa London City Lionesses sa England ngayong summer.
Sa kaniyang talumpati ay wala na itong ibang masabi at pinasalamatan na lamang niiya ang lahat ng mga panalo.















