-- Advertisements --

Patay ang siyam na katao matapos ang ginawang airstrike ng Jordan sa Syria.

Ang nasabing pag-atake ay bilang pagganti na ginawa ng Syria noong nakaraang linggo sa isang Christian funeral.

Sinabi ng Syrian health officials na kabilang sa nasawi ang ilang babae at mga bata sa isang lugar sa southern Daraa province.

Kinumpirma naman ng Jordan nasugatan ang ilang mga terorista gamit ang kanilang mga fighter jets.

Nilinaw ng Jordan na nakipag-ugnayan sila sa Syria ukol sa nasabing pag-atake subalit hindi naman ito kinumpirma ng Syria.

Bilang kasagutan sa ginawa ng Jordan ay isinara ng Syria ang kanilang border.