Kinilala ng Supreme Court ng Pilipinas ang Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa kontribusyon nito sa pagpapatupad ng electronic notarization (eNotarization) sa pamamagitan ng electronic Documentary Stamp Tax (eDST) system.
Pormal na iginawad ang pagkilala noong Oktubre 13, 2026 sa ginanap na ceremonial signing ng Joint Memorandum Circulars (JMCs) sa pagitan ng Supreme Court, Land Registration Authority (LRA), at Securities and Exchange Commission (SEC).
Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Office of the Bar Confidant – Interim Electronic Notary Services (OBC-IENS), nabuo ang proseso kung saan ang mga Electronic Notaries Public ay nakatutupad sa kanilang DST obligations gamit ang eDST web system.
Inihayag ni Commissioner Charlito Martin R. Mendoza na maglalabas ang BIR ng isang Revenue Memorandum Circular (RMC) sa mga susunod na araw upang opisyal na mai-institutionalize ang mga reporma sa eDST at magbigay ng mas malinaw na guidelines.
Ang tagumpay na ito ay sumusuporta sa DARES reform agenda ng BIR, partikular sa Digital and Data Transformation, habang isinusulong ang digitalization at Ease of Doing Business sa buong bansa.









