-- Advertisements --

Nagpahayag ng pagsuporta si Sen. JV Ejercito sa hakbang ng Office of the Solicitor General na humiling ng paglilinaw mula sa Korte Suprema kasunod ng bagong ruling ng korte sa unprogrammed appropriations.

Ayon sa Senate Finance Committee chief, mahalagang malinawan ang Kongreso sa mga dapat baguhin para matiyak na naaayon sa Konstitusyon at desisyon ng SC ang binubuong panukalang pondo para sa susunod na taon.

Mainam din aniyang hintayin at aralin ng Senado ang petition ng OSG na partial reconsideration sa ilang bahagi ng desisyon ng korte, habang umuusad ang pagtalakay sa pambansang pondo.

Pangunahin dito ang plano ng OSG na i-apela ang desisyon ukol sa Special Provisions 1-A at 1-B ng 2026 General Appropriations Act.

Ikinukunsidera kasi ng senador na masyadong mahigpit ang interpretasyon dito at maaaring mahirapan ang pamahalaan na gamitin ang sobrang kita o bagong revenue para sa mga gastusing nangangailangan ng agarang aksyon.

Ayon kay Ejercito, mahalagang malinawan ang Kongreso sa mga dapat baguhin para matiyak na naaayon sa Konstitusyon at desisyon ng Korte Suprema ang binubuo nilang panukalang 2027 national budget.

Katwiran ng seandor, bagaman hindi idineklara ng SC na labag sa Konstitusyon ang unprogrammed appropriations, nagsisilbi naman itong paalala sa Kongreso na upang tiyakin na ang final version ng budget ay hindi lalabag sa anumang pamantayan ng SC.