-- Advertisements --

Nakatakdang simulan ng Senado sa Nobyembre 23 hanggang Disyembre 1 ang period of interpellation para sa panukalang pambansang badyet para sa 2027.

Gaganapin ang mga talakayan sa session hall ng Senado kasunod ng public hearing ng Senate Committee on Finance kasama ang mga kinatawan ng civil society organizations (CSOs) sa Lunes.

Kung masusunod ang iskedyul, target na aprubahan sa ikalawang pagbasa ang panukalang badyet sa Disyembre 3, bago ang period of amendments o pagsusog sa mga probisyon nito.

Inaasahan namang isasagawa ang ikatlo at huling pagbasa sa Disyembre 7.

Samantala, nanindigan si Senate President Win Gatchalian na titiyakin ng Senado na magiging naaayon sa Konstitusyon ang 2027 national budget at hindi magagamit sa pangangampanya o iba pang layuning may kaugnayan sa eleksyon.

Layunin nitong matiyak na ang pambansang badyet ay nakatuon sa mga programa at serbisyong kailangan ng publiko, alinsunod sa mga umiiral na batas at pamantayan sa pagbabadyet.