-- Advertisements --

Tinitiyak ng mga awtoridad na walang banta ng tsunami sa Pilipinas kasunod ng naitalang magnitude 7.2 na lindol sa bansang Vanuatu ngayong Sabado, Oktubre 24, 2026.

Batay sa inilabas na Tsunami Information No. 1, naitala ang malakas na pagyanig bandang alas-10:31 ng umaga sa lalim na 10 kilometro sa timog silangan ng Vanuatu.

Dahil sa lokasyon at lalim nito, inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang inaasahang destructive tsunami waves na makakaapekto sa alinmang baybayin ng bansa.

Ang panibagong matinding pagyanig sa Pacific region ay nangyari kasunod lamang ng naitalang magnitude 7.0 na lindol na tumama naman sa Nagqu at Baqing County sa Tibet nitong nakalipas na mga araw.