-- Advertisements --

Nilinaw ng Kataas-taasang Hukuman na papasok na sa hiwalay na kaso ang paghabol sa mga opisyal na sangkot sa ilegal na pag-increase ng ilang pondo sa makaraan mga pambansang badyet.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Sue Mae Ting, kailangan idaan sa panibagong paghahain ng kaso kung may nais man panagutin hinggil dito. 

Maaari aniyang magsampa ng kasong sibil, kriminal, o administratibo sa kaukulang korte upang panagutin ang mga opisyal na lumabag sa batas. 

Kanyang binigyang diin na ang desisyon ng Korte Suprema kamakailan kaugnay sa pambansang badyet ng mga taon 2024, 2025, at 2026 ay tumutukoy lamang sa naging akto ng kongreso. 

Hindi aniya pasok o saklaw dito ang patungkol sa usapin pananagutan kontra mga indibidwal na responsable sa kontrobersyal na mga ginalaw na pondo.