-- Advertisements --

Plano ni French President Emmanuel Macron , na makipagpulong sa mga mag-aaral matapos ang naganap na malawakang kilos protesta.

Maituturing na ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng pakikipagpulong ng French leader sa mga grupo ng mga mag-aaral.

Ipinapanawagan kasi ng mga mag-aaralang tuluyang pag-overhaul sa education system mula pa noong buwan ng Setyembre.

Para magkaroon ng matinding pressure ang gobyerno ay nanawagan ang mga mag-aaral na magsagawa ng kilos protesta.

Magugunitang mahigit 200 katao na ang inaresto dahil sa patuloy na kilos protesta habang nagpatupad ang mga otoridad ng curfew sa mga lugar ng Marseille at Lyon.