Pinapahingi ni US President Donald Trump si NBA star LeBron James ng paumanhin dahil umano sa pambabastos nito sa national anthem ng US.
Ayon kay Trump na habang tumutugtog ang national anthem ay hindi man lang huminto sa kaniyang ginagawa si Philadelphia 76ers star.
Nangyari ang insidente habang nagpapraktis ng pag-swing sa golf at basketball shots bago ang laro nila laban sa New York Knicks.
Giit ni Trump na binastos ng NBA star ang bansa kaya mahalaga na humingi ito ng paumanhin at kapatawaran sa mga Bayani at Great American Warriors.
Noon pa man ay binatikos na ni Trump si James kung saan tinawag pa nito ang atleta na hindi matalino noong 2018 kung saan wala itong balak na umupo katabi niya.
Inakusahan ni James si Trump ng pagiging racist.
Habang noong Hulyo ay mas pinili ni Trump si Michael Jordan bilang pinakamagaling na basketbolista sa buong mundo.















