-- Advertisements --
Nakumpleto na ang naturalization nii Gilas Pilipinas target player Bennie Boatwright.
Ito ay matapos na manumpa na ang 6-foot-10 player sa Philippine embassy sa China.
Kinumpirma ni PBA Commissioner Willie Marcial ang panunumpa ni Boatwright sa China kung saan ito ay kasalukuyang naglalaro para sa koponang Fujian Sturgeions.
Dahil dito ay inaasahang makakapaglaro na si Boatwrigth sa unang pagkakataon kasama ang Gilas Pilipinas para sa ikalimang window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa susunod na buwan na ito ay gaganapin sa Malaysia.
















